Fernando Amorsolo
imagesize=200px|caption=|birthname=Fernando Cueto Amorsolo
Hi Fernando Amorsolo y Cueto (Mayo 30, 1892 – Abril 24, 1972) usa ka portraitista ngan pintor hin mga talan-awon ha kaumhan han Pilipinas. Ginngaranan nga "Dako nga Lagas nga Tawo han Arte Pilipinas," hiya an syahan nga ginkilala komo Nasodnon nga Artista han Pilipinas . Ginkilala hiya nga sugad tungod han iya "pagpauna han paggamit hin impresionista nga teknik" sugad man han iya kaabtik ha paggamit hin suga ngan backlighting ha iya mga painting, "signipikante diri la ha pagpadukwag han arte han Pilipinas kundi liwat ha pagporma hin mga nosyon Pilipino hin kalugaringon ngan pangilal-an."
Temprano nga kinabuhi ngan edukasyon .
[igliwat | Igliwat an wikitext]Isinilang si Fernando Amorsolo noong 30 Mayo 1892 sa Paco, Maynila kina Pedro Amorsolo, isang tenedor de libro, at Bonifacia Cueto.[1][2] Lumaki si Amorsolo sa Daet, Camarines Norte, kung saan nakapag-aral siya sa isang paaralang pampubliko at tinuruansketg bumasa at sumulat ng wikang Kastila sa bahay.[3] Pagkaraang mamamatay ng kaniyang ama, lumipat si Amorsolo at ang kaniyang pamilya sa Maynila upang manirahan kasama ni Don Fabian de la Rosa, ang pinsan ng kaniyang ina at isang pintor sa Pilipinas.[2] Sa gulang na 13, naging katulong si Amorsolo ni De la Rosa. Sa kalaunan, si De la Rosa ang magiging tagapag-udyok at gabay ni Amorsolo sa karera at sining ng pagpipinta.[2] Nang mga panahong iyon, nanahi ang ina ni Amorsolo para kumita ng salapi, habang tumutulong naman si Amorsolo sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga kinulayang tarhetang pangkoreo na nagkakahalagang sampung sentimo bawat isa.[2] Pintor din si Pablo, ang kapatid ni Amorsolo.[2]
Dumating ang unang tagumpay ni Amorsolo bilang pintor noong 1908, nang ang kaniyang larawang Levendo Periodico ay tumanggap ng ikalawang premyo sa Bazar Escolta, isang patimpalak na isinagawa Asociación Internacional de Artistas (Samahang Pandaigdigan ng mga Artista).[3] Sa pagitan ng 1909 at 1914, nag-aral si Amorsolo sa Paaralan ng Sining ng Liseo ng Maynila, kung saan tumanggap siya ng maraming mga parangal dahil sa kaniyang mga larawang iginuhit.[2]
Pagkaraang magtapos mula sa Liseo, nag-aral si Amorsolo sa Paaralan ng Pinong Sining ng Pamantasan ng Pilipinas, kung saan nagtatrabaho si Dela Rosa.[2] Habang nag-aaral sa kolehiyo, ang mga pangunahing impluwensiya kay Fernando Amorsolo ay ang mga pintor na sina Diego Velazquez, John Singer Sargent, Anders Zorn, Joaquín Sorolla y Bastida, Claude Monet, Pierre-Auguste Renoir, at Ignacio Zuloaga.[4] Habang nag-aaral sa Liceo, itinuturing na ang isa sa pinakanatatanging gawa ni Amorsolo ay ang larawan ng isang binata at ng isang dalaga na nasa isang hardin, na ikinapanalo niya ng isang gantimpala nang magkaroon ng isang ekshibisyon ng sining sa paaralan bago siya magtapos at magkamit ng diploma.[3] Upang kumita ng salapi, sumali si Amorsolo sa mga paligsahan at gumawa rin siya ng mga guhit para sa mga palimbagan sa Pilipinas,[5] kabilang ang isang larawan para sa pabalat ng pinakunang nobelang isinulat ni Severino Reyes sa wikang Tagalog, na ang Parusa ng Diyos. Gumuhit din siya ng larawan para sa Madaling Araw ni Iñigo Ed. Regalado,[6] at para sa mga aklat ng Pasyon.[6] Nagtapos si Amorsolo mula sa Pamantasan ng Pilipinas noong 1914, na nakatanggap ng maraming mga medalya.[2]



Dagko nga mga buhat
[igliwat | Igliwat an wikitext]
Mga reperensya
[igliwat | Igliwat an wikitext]- ↑ Ipakita an sayop: Invalid
<ref>tag; no text was provided for refs named "Encyclopedia2". - 1 2 3 4 5 6 7 8 Ipakita an sayop: Invalid
<ref>tag; no text was provided for refs named "GlobalPinoy". - 1 2 3 Anciano, Daniel M. Filipinos in History: Fernando Amorsolo, Geocities.com (walang petsa), kinuha noong: 1 Hulyo 2007
- ↑ Ipakita an sayop: Invalid
<ref>tag; no text was provided for refs named "geringer". - ↑ Gift of the Filipino Artist, Fernando Amorsolo, Web Page 2, ThinkQuest.org (walang petsa) Ginhipos 2008-02-17 han Wayback Machine, kinuha noong: 30 Hunyo 2007
- 1 2 Philippine On-line Encyclopedia Project, Hasloo.com (walang petsa) Ginhipos 2008-06-24 han Wayback Machine, kinuha noong: 1 Agosto 2007